Ilulunsad ni Pres. Marcos ‘LARGE-SCALE’ COVID VACCINATION, BOOSTER

(CHRISTIAN DALE)

INULIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng COVID-19 vaccination at boosters.

Napakahalaga aniya ng mga ito sa kanyang paggaling mula sa pangalawang laban sa nakamamatay na virus.

“Kukunin ko ang pagkakataon na ito para ihayag ang importansya ng pagbabakuna at lalo na ng mga booster shot. Ito nga ang pangalawang COVID ko,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Pero sa tingin ko, kung hindi dahil sa vaccine at booster shot ay siguradong mas malubha ang naging tama ko at aking pakiramdam… hindi na talaga siya bumaba sa aking baga at naging kumplikado,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, maglulunsad ang kanyang administrasyon ng “large-scale COVID-19 vaccination at booster campaign” upang patuloy na mabuksan ng bansa ang ekonomiya.

“The booster campaign will also prepare the country for in-person classes,” aniya pa rin.

“‘Yan ang mensaheng pinagtutulungan namin ngayon sa tulong ng DOH, DILG, DepEd, isusulong ang malawakang kampanya ulit para sa pagbabakuna sa booster shot,” ayon sa Punong

Ehekutibo sabay sabing “Kung magtatagumpay ang kampanyang ito, tuloy na tuloy na ‘yan.”

Nilinaw naman ng Chief Executive na hindi niya ginagawang mandatory ang booster shots.

“Hindi naman na talaga kailangang isabatas ito dahil malaya pa rin tayong mamili para sa ating kalusugan,” ayon sa Pangulo.

142

Related posts

Leave a Comment