(NI NOEL ABUEL)
NGAYONG natapos na ang kasong Maguindanao massacre ay dapat nang mawala sa listahan ng mundo na ang Pilipinas ang “most dangerous place for members of the press”.
Ito ang apela ni Senador Risa Hontiveros kung saan dapat aniyang magtulungan ang lahat para mawala ang masamang imahe ng Pilipinas sa usapin ng kaligtasan ng mga mamamahayag.
“Now we must ensure that the Philippines stops becoming a dangerous place for members of the press, or for anyone exercising their democratic rights,” aniya.
“We must work toward the greater goal of ending lawless violence perpetrated by political dynasties who only want to cling to power and look after their own self-interest,” dagdag pa nito.
Samantala, sinabi naman ni Senador Imee Marcos na maituturing na isang tagumpay ng hustisya ang hatol na guilty sa mga pangunahing akusado ng tinaguriang Maguindanao massacre na kumitil sa buhay ng 58 katao kabilang na ang 32 mamamahayag.
Sina Datu Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan at iba pang akusado ay napatunayang guilty sa nasabing kaso.
Bagama’t masasabing napakailap aniya ang hustisya dahil na rin sa tagal ng paglilitis, ang promulgasyon na isinagawa ay positibong aksyon para sa mga biktima, at sa kalaunan ay tuluyang mapanagot ang iba pang akusado sa Maguindanao massacre.
174