Imbestigasyon ikakasa sa Senado NBP, KILLING FIELD NG DRUG LORDS?

NAGDUDUDA si Senador Franklin Drilon sa totoong pangyayari sa pagkamatay ng 21 bilanggo, kabilang ang siyam umanong drug lords, sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

“Ano bang itinatago ng BuCor?” makaraang sadyang itanggi at itago sa publiko ng hepe ng BuCor (Bureau of Correction) ang mga pangalan ng mga namatay na bilanggo sa NBP,? tanong ni Drilon.

Sa 21, si Jaybee Sebastian pa lang ang inilabas na pangalan sa media ng Department of Justice (DOJ).

Si Sebastian ay namatay noong Hulyo 17 dahil daw sa “severe respiratory disease,” banggit ni DOJ Usec Markk Perete.

Kinumpirma ni Perete na mabilis nai-cremate ang bangkay ni Sebastian.

Si Sebastian ay convicted sa kidnapping-for-ransom and carjacking noong 2009, at isa sa mga pangunahing testigo ng pamahalaan sa kasong ilegal na droga ni Senadora Leila de Lima.

Ayaw pang ilabas ng DOJ at BuCor ang mga pangalan ng walo pang mga drug lord na namatay umano sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) dahil inaantay pa ng DOJ ang mga dokumento
mula sa BuCor na magdedeklarang patay na ang walong drug lord, saad ni Perete.

Ani Drilon, wala namang lalabaging batas si BuCor director general Gerarld Bantag kung isapubliko niya ang pagkakakilanlan ng mga namatay dahil ang death certificate ay pampublikong dokumento.

Paliwanag ito ni Drilon nang gamiting dahilan ni Bantag ang Data Privacy Act upang ilihim ang pangalan ng mga namatay at totoong dahilan ng kanilang pagkamatay sa loob ng NBP.

Idiniin ni Drilon na hindi sakop ng Data Privacy Act ang pangyayaring namatay ang isa o higit pang bilang ng mga tao dahil hindi sensitibong personal na impormasyon ang kanilang pagkamatay.

“[T]ransparency is an effective mechanism to guard against abuses such as fake or simulated deaths,” anang senador.

Tinumbok ni Drilon na: “[hiding information from the public surrounding the death of a substantial number of persons deprive of liberties is] dangerous and it is prone to different kinds of abuses. I am afraid it can be used to make prisoners disappear, cover up extra-judicial killings, and even to fake death.”

Ayon kay Drilon: “The BuCor has been subject of many controversies in the past – high profile inmates being spotted outside of prison or are able to leave unnoticed, special treatment being extended to high profile prisoners. Any doubts or danger of the inmates’ deaths being simulated can be addressed through full transparency.

Upang mabatid ng publiko ang totoong pangyayari sa pagiging ‘killing filed’ ng NBP ng mga bilanggong drug lord dahil umano sa COVD – 19, itinuloy ni Senate President Vicente Sotto III na inihain ang kanyang resolusyon sa paglulunsad ng imbestigasyon sa kontrobersiya.

“Due to unclear, inaccurate and unverified reports, speculations are now being made as to whether or not these NBP inmates actually died due to COVID-19,” banggit ni Sotto sa kanyang Resolution 468.

Idiniin ng senador na maraming hindi nagawa ang BuCor matapos mamatay ang siyam na drug lords at iba pang bilanggo. (NELSON S. BADILLA)

125

Related posts

Leave a Comment