Imee sa ‘Big 3’ KUNSENSYA BAGO KITA

UNAHIN ang konsensya bago ang kita o tubo ng “Big Three” oil companies sa bansa.

Ito ang apela ni Senadora Imee Marcos sa Department of Energy matapos payagan ng ahensya ang Petron, Shell at Caltex na magpatupad ng pagtaas sa presyo ng langis sa gitna ng delubyong dinanas ng mga tao.

Ngayong araw (Martes), inaasahang magpapatupad ang Big Three ng fuel price hike na tinatayang P1.10 – P1.20 per liter sa gasolina, P1.50 – P1.60 per liter sa diesel, at P1.30-P1.40 per liter sa kerosene.

Base sa impormasyon ng DOE, sumirit ang presyo ng langis sa international market dahil sa positibong balita hinggil sa bakuna kontra COVID-19.

Giit ni Marcos, dapat munang magpatupad ang DOE ng price freeze sa mga lalawigan o mga bayan na winasak ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses para mabawasan ang kanilang paghihirap sa kasalukuyan.

Ayon pa kay Marcos, hindi pa rin ganap na nakababangon ang mga Pinoy sa pagtama ng COVID-19 ay may panibagong dagok na naman ng oil price hike.

Katwiran ni Marcos, may buffer stock pa naman sa imbentaryo ang mga kumpanya ng langis sa loob ng anim na buwan na nabili nila sa mababang presyo sa pandaigdigang pamilihan. (ESTONG REYES)

124

Related posts

Leave a Comment