TUTOL si Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto sa plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng manok para matulungan ang mga local chicken grower.
Sinabi ni Recto na nagtataka ito na sa kabila ng pagmamalaki ng DA na aabot sa 160 days ang supply ng manok ay uunahin pa ang mag-import.
“Ipinagmalaki mismo ng DA sa kanilang State of the Food Report noong Mayo 21 na aabot sa minimum na 160 days ang supply ng manok, at sa best case scenario ay 314 days. Sa average scenario naman, garantisadong may supply sa loob ng 220 na araw,” sabi ni Recto.
“All of the three projections point to a surplus. If such is the case, why encourage imports? Kung 136 percent hanggang 183 percent ang chicken sufficiency forecast, bakit mag-aangkat pa?,” tanong pa nito.
Kinuwestiyon din ng mambabatas ang DA kung bakit iniutos umano sa mga chicken raiser na bawasan ang kanilang output upang bigyan ng puwang sa merkado ang mga manok na nanggagaling sa ibang bansa.
“And why should an agency whose sole mandate is to boost food production advise Filipino chicken raisers to scale down their output to give market space for dressed chicken coming from abroad?,” giit nito.
“Kung ikaw ang coach ng national poultry team at ang ganda ng produksyon nila sa kalagitnaan ng krisis, why would you order them to resort to point-shaving?,” ani pa Recto. NOEL ABUEL
