(NI FROILAN MORELLOS)
MAGTATALAGA ang Bureau of Animal Quarantine (BAI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga ‘meat sniffing dogs’ para ma-detect ang mga in-coming passengers na may dalang fresh animal meat sa bansa.
Sinabi ni BAI Director, Dr. Ronnie Domingo, na layunin sa paglalalgay ng tatlong meat-sniffing canines sa airport ay upang ma-protektahan ang pagkalat ng deadly swine fever na galing sa ibang bansa.
Ayon pa kay Domingo, ang mga asong ito ay well-trained para mabatid kung may manakapagpuslit ng mga karne na bitbit ng pasahero at makumpiska ang mga ito.
Una nang nangamba ang publiko sa posibleng pagpasok sa bansa ng African swine fever epidemic. Pinaniiwalang ang ang swine fever ay nagmula sa northeastern China, isa sa itinuturing na pinakamalaking pork producer sa buong mundo.
Nabatid na ang sakit ay lubhang nakahahawa sa mga baboy dahilan para malugi ang mga hog raisers tulad ng mga nangyayari sa mga magsasaka sa Hongkong , Vietnem at Cambodia .
Ang African swine flu virus ay madaling kumalat sa bawat baboy , partikular na kung makakain ang mga ito ng mga kontaminadong karne.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol magpapalabas siya ng department order na magbabawal sa pagpasok ng imported na karne ng baboy mula Vietnam makaraang madiskubre ang swine fever sa Vietnam.
Kaugnay nito magde-deploy ang Department of Agriculture (DA) ng 15 trained dogs na maaring maka-detect ng mga kontaminadong karne papasok sa mga airport.
Aniya kapag nagpabaya ang pamahalaan ay maapektuhan ang 250 billion-peso swine industry sa bansa .
Papayagan ang mga imported na karne kapag mayroon ang importer ng Phyto-sanitary permit galing sa port of origin.
Ang mapatutunayan na lumabag sa pinaiiral na batas ng BAI ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang P200,000, at pagkumpiska sa mga karne.
