MAYNILA, Pilipinas — Batay sa pinakabagong 2025 Pre-Election Party-List Preferential Survey ng Tangere, halos kalahati ng apatnapu’t apat (44) na party-list na inaasahang makakaupo sa House of Representatives ay mga baguhan.
Pinangungunahan ng FPJ Panday Bayanihan (FPJPB) Party-list na nasa ika-6 na puwesto sa kabuuan na may 3.83% ng boto. Ang iba pang mga bagong party-list na nakapagtala ng makabuluhang pagtaas sa boto ay ang mga sumusunod:
• Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list na pinangungunahan ni Dr. Jose Goitia – ika-10 sa kabuuan na may 2.50% ng boto;
• United Senior Citizens Party-list – ika-12 sa kabuuan na may 2.25% ng boto;
• Tulfo para sa Turismo (Turismo) Party-list – ika-18 sa kabuuan na may 1.75% ng boto;
• Abante Bisdak Party-list – ika-19 sa kabuuan na may 1.71% ng boto;
• Angkasangga Party-list – ika-20 sa kabuuan na may 1.52% ng boto.
Inaasahang Makakakuha ng Dalawang (2) Puwesto:
• Limang (5) party-list ang inaasahang magkakaroon ng tig-dalawang (2) puwesto sa House of Representatives, pinangungunahan ng Tingog Party-list (Rank 1, may 5.75% ng boto), na nakaranas ng makabuluhang pagtaas ng suporta mula sa mga botante sa Visayas.
Kasunod nito ang Ako Bicol Party-list, na may 5.50% ng boto, dulot ng mataas na suporta mula sa Bicol Region, lalo na sa Albay at Camarines Sur.
Kasama rin sa top 5 ang mga sumusunod:
• 4Ps Party-list – ika-3 sa kabuuan, may 5.00% na boto
• ACT-CIS – ika-4 sa kabuuan, may 4.83% na boto
• Duterte Youth – ika-5 sa kabuuan, may 4.75% na boto
• Ang mga incumbent party-list naman ang bumubuo sa natitirang bahagi ng top 10:
• Agimat – ika-7 sa kabuuan, may 3.71% na boto
• Alona – ika-8 sa kabuuan, may 2.92% na boto
• 1Pacman – ika-9 sa kabuuan, may 2.83% na boto
