MERALCO CHAMPION NG SMART AT TECH-DRIVEN ENERGY FUTURE

Sa katatapos na Giga Summit 2025: The Fusion of Power and Intelligence, binigyang-diin ng Manila Electric Company (Meralco) ang kahalagahan ng estratehikong pagsulong ng artificial intelligence (AI) at makabagong teknolohiya sa paghubog ng sektor ng enerhiya.

Ayon kay Meralco executive vice president at chief operating officer at Meralco Power Academy (MPA) president Ronnie L. Aperocho (nasa larawan) na mahalaga ang ginagampanan ng AI sa modernisasyon ng distribution network ng kumpanya.

“We are future proofing Meralco’s distribution network through layers of different initiatives driven by innovation, big data and analytics, and powered by artificial intelligence,” ani Aperocho.

Kabilang sa mga pangunahing innovation initiative ng Meralco ang Wireless Private Network, (WPN) na may layuning palawigin ang automation at seguridad ng grid; ang Meralco Data Platform (MDP), na gumagamit ng datos at AI sa pag-streamline ng mga operasyon; at ang Meralco Interactive Data Assistant or MIDAS, na AI-powered interactive assistant ng kompanya.

Layon ng mga proyektong ito na gawing mas moderno at matatag ang operasyon, paigtingin ang katatagan ng distribution system, at itaas ang antas ng serbisyo sa mga customer gamit ang makabagong teknolohiya at data-driven na sistema.

“Our theme, The Fusion of Power and Intelligence, captures the reality that infrastructure and technology must go hand-in-hand with vision, policy, and people,” pinunto ni Aperocho.

Isinagawa sa The Fifth at Rockwell sa Makati City nitong nakaraang Abril 24 hanggang 25, ang 2-araw na Giga Summit 2025 ay isang biennial event na inorganisa ng MPA na itinuturing na isa sa pangunahing platform para sa pagpapalaganap ng kaalaman sa industriya at gayundin sa mga policy maker at lokal at pandaigdigang eksperto na pinahahalagahan ang pinakabagong innovation at best practices na humuhubog sa energy landscape sa bansa.

1

Related posts

Leave a Comment