Info sa contact tracing tiyaking confidential PRIVACY NG CUSTOMERS INGATAN – MALAKANYANG

UMAPELA ang Malakanyang sa mga commercial establishment na protektahan ang confidentiality ng impormasyon ng kanilang customer matapos makatanggap ng report ang National Privacy Commission (NPC) ng “mishandling and misuse” ng contact tracing data.

“Ang privacy po is a specialized law at ang nakakaintindi po niyan ay Privacy Commission. So let’s heed the advice of those who have specialized knowledge on the law,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nauna rito, sinabi ng NPC na nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa publiko laban sa mga establisimyentong may hawak ng costumer data para sa contact tracing na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga reklamo ay maling paggamit ng logbooks, paggamit ng personal data para sa ibang dahilan maliban sa contact tracing, at kawalan ng privacy notice, at iba pa.

Dahil dito, hinikayat ni NPC Director Olivia Khane Raza ng Compliance and Monitoring Division ang mga kumpanya na magkolekta ng mahahalagang data, magbigay ng transparent data privacy notice, magkaroon ng maayos na disposal mechanism at magpatupad ng limited period para sa storage.

Tinawagan din niya ng pansin ang mga kumpanya na sanayin ang mga empleyado hinggil sa data privacy protocols at himukin ang mga ito na mahigpit na sundin ang protocols.

“As you are in the best position to anticipate and manage risks based on your store setup, you should be able to identify points of possible risks for you to develop the security measures appropriate for your operations,” ayon kay Raza. (CHRISTIAN DALE)

179

Related posts

Leave a Comment