Iniimbestigahan ng Comelec VOTE BUYING VS CAMILLE VILLAR

MAGLALABAS ang Commission on Elections (Comelec) ng show cause order laban kay senatorial candidate Camille Villar sa akusasyong vote buying.

Sinabi ni Comelec Executive Director Teofisto Elnas, ilalabas ang show cause order ng Committee on Kontra-Bigay dahil sa sumbong na nagkaabutan ng pera bilang pang-raffle sa pangangampanya ng nasabing kandidato.

Naganap ang aktibidad sa Buhay na Tubig, Imus, Cavite na lumabas sa social media noong Feb. 26 na simula ng panahon ng kampanya subalit kahapon lamang naipaabot sa kaalaman ng komisyon.

Hindi naman malinaw kung namigay ang kandidato ng pera o iba pa.

Ayon sa Comelec, dapat pa ring siyasatin lalo na’t dumalo ang kandidato sa aktibidad kung saan nakasulat din ang kanyang pangalan sa mga nakapaskil na mga tarpaulin.

Bibigyan ng tatlong araw ang batang Villar para makapagpaliwanag sa nasabing isyu.

(JOCELYN DOMENDEN)

31

Related posts

Leave a Comment