Inilutang ng senador KORAPSYON SA PAG-ANGKAT NG MANOK

MAYROONG naaamoy na masamang aktibidad si Senador Ralph Recto sa plano ng Department of Agriculture (DA) na umangkat ng manok ngayong taon.

Muling idiniin ni Recto ang iniyabang ni Agriculture Secretary William Dar noong Mayo 21 na sa maksimum ay mayroong 314 araw na tuluy-tuloy ang suplay ng manok sa palengke.

Sa minimum ay 160 araw ang supply ng manok, ulat ng DA.

Pero, inulit ni Recto ang sinabi ng kalihim ng DA na pihadong mayroong suplay ng manok sa loob ng 220 araw.

Ang totoo, “All of the three projections point to a surplus,” tumbok ni Recto.

“If such is the case, why encourage imports? Kung 136 percent hanggang 183 percent ang chicken sufficiency forecast, bakit mag-aangkat pa?,” siya ngayong malaking pagdududa ng senador.

“And why should an agency whose sole mandate is to boost food production advise Filipino chicken raisers to scale down their output to give market space for dressed chicken coming from abroad? Kung ikaw ang coach ng national poultry team, at ang ganda ng produksyon nila sa kalagitnaan ng krisis, why would you order them to resort to point-shaving?,” patuloy na paghihimay ni Recto sa patakaran ni Dar na umangkat ng mga manok.

Ani Recto, iuungos ni Dar ang pag-angkat ng mga manok sa panahong nagkaroon ng problema sa produksyon ng pagkain sa bansa dahil sa samu’t saring “community quarantine” (CQ) na inilatag ng administrasyong Duterte laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Naniniwala ang mambabatas na patuloy na babalyahin ang kabuhayan ng mga magmamanok kung lilimitahan ang bilang ng kanilang aalagaang manok upang magbigay ng napakalaking puwang sa pagpasok ng mga manok ng ibang bansa.

Ipinaalala ni Recto kay Dar na: “The farm sector is the economy’s savior and safety net, and a job generator amidst massive layoffs. The only way for the food industry to absorb the unemployed is for it to increase and not decrease its yield.” NELSON S. BADILLA

153

Related posts

Leave a Comment