69 CONTAINERS NG BASURA BALIK-CANADA NA

BASURA NG CANADA-2

(NI JOEL O. AMONGO)

Balik-Canada na ang  69 containers na naglalaman ng mga basura na dumating sa Pilipinas kamakailan.

Ayon kay Port of Subic District Collector Maritess Martin, dakong alas-3:20 ng madaling araw noong Mayo 31 ng taong kasalukuyan nang makumpletong ikarga ang lahat ng 69 containers  kung kaya’t pagsapit ng alas-7:18 ng umaga umalis sa Port of Subic ang Vessel Bavaria (MCC) dala ang  naturang containers ng Canadian waste.

Sa reexportation order na inisyu ni Martin na may petsang Mayo 10, 2019, ang Environment Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa isinagawa nitong Waste Analysis and Characterization Study (WACS),  nakita mula sa Municipal Solid Waste na  nakapaloob sa  “Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and Their Disposal” na ang nasabing basura ay mahigpit na ipinagbabawal at kailangang ibalik ito sa pinagmulang bansa.

Una na ring  ipinag-utos ni  Pangulong Rodrigo Duterte sa team na binubuo ng mga kinatawan mula sa Port of Subic, Canadian Embassy, EMB at ang Ecology Department of the Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na magsagawa ng on-site inspection sa nasabing shipment sa Subic New Container Terminal noong April 30, 2019.

Ang nasabing shipment ay pag-aari ng Canadian government na siyang mangangasiwa ng pagbabalik ng mga basura sa kanilang bansa   base na rin sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) na may kaugnayan sa Republic Act No. 6969 (Toxic Substances and Hazardous Nuclear Waste Control Act of 1990) at ang batas na may kaugnayan sa Cross Border Movement and Disposal of Wastes sa ilalim naman ng Basel Convention.

99

Related posts

Leave a Comment