PINAG-USAPAN sa pulong nina Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, at ng mga kinatawan mula sa Itochu Corporation, Hankyu Hanshin Express Philippines Inc., at Hankyu Hanshin Logistics Philippines Inc. ang hinggil sa importasyon ng urea fertilizers sa courtesy visit ng mga ito noong Oktubre 27, 2023.
Ang nasabing pulong ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa Port of Cebu na sina District Collector Atty. Morales II; Deputy Collector for Assessment Mr. Conrado M. Abarintos, at Acting Chief for Law and Bonds Division Atty. Erwin C. Andaya, LCB.
Kasama rin sa mga dumalo sina Junior Manager ng Energy & Chemicals Department of Itochu Corporation Mr. Yutaro Chinen; Assistant Branch Manager of Hankyu Hanshin Express Philippines Inc. Ms. Evelyn M. Zanoria; Sales Manager ng Hankyu Hanshin Logistics Philippines Inc. Mr. Kitagawa Masahide, at Mr. Joselito Kimakiwa mula sa Hankyu Hanshin Logistics Philippines, Inc.
Sa pulong ay hiniling ni Itochu Corporation Department Manager Mr. Tetsuo Iwaki, ang mas malalim na pang-unawa at karagdagang kaalaman sa customs regulations patungkol sa kanilang shipment ng urea fertilizer na kontrolado ng mga materyales, upang mapadali ang maayos na pag-release nito.
Ipinahayag ni District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, “We are committed to facilitating a seamless and compliant importation process for regulated materials, ensuring the efficient movement of goods, and working hand in hand with our partners to meet their specific needs. The Port of Cebu stands ready to assist and guide our stakeholders, fostering stronger collaborations for the benefit of all parties involved.”
Sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, at sa patnubay mula kay Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang Port of Cebu ay nananatili sa kanilang pangako sa paglilingkod at pagtugon sa pangangailangan ng kanilang stakeholders, at pagpapaunlad ng kaaya-ayang kapaligiran para sa kalakalan at pagsunod sa mga regulasyon.
(BOY ANACTA)
299