P13.752-M PUSLIT NA SIGARILYO NASAMSAM SA ZAMBOANGA CITY

UMABOT sa P13.752 mil­yong halaga ng puslit na imported na mga sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga, sa tulong ng Philippine National Police’s (PNP) 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne”, sa karagatan ng Maasin, Zamboanga City, noong Nobyembre 6, 2023.

Isang composite team ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service – Customs Police Division (ESS-CPD), at PNP Seaborne Company ang nagpahinto sa isang motorized wooden watercraft na may tatak na “Lautanmas 3”, na may halagang P150,000, sa isinagawang maritime patrol operation.

Ang nasabing sasakyang pandagat ay natuklasang kargado ng undocumented imported cigarettes na ibiniyahe mula Jolo, Sulu, at patungo sa Zamboanga City.

Nagsagawa ng joint inventory ang BOC, PNP Seaborne Company, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakatuklas sa 240 master cases ng sigarilyo na may mga brand na “San Marino”, “Astro”, “Green Hill”, “New Berlin”, “New Far”, “Cannon”, at “Bravo”.

Kasunod ng masusing imbestigasyon ng PDEA’s drug-sniffing canines, ang nasabat na master cases ng sigarilyo na dala ng sasakyang pandagat, ay nakumpirmang negatibo sa illegal drugs.

Sinabi ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, “The BOC will not tolerate any illicit activity that poses danger to the security and well-being of our citizens. We are relentless in our efforts to combat all forms of smuggling, and we will continue to work with our partner agency to put an end to all nefarious smuggling activities.”

Samantala, pinuri ni District Collector Arthur G. Sevilla, Jr., ang Port of Zamboanga personnel at partner agencies sa matagumpay na maritime operations sa ZamBaSulTa.

Pinagtibay rin niya na ang BOC-Port of Zamboanga ay mananatiling mapagmatyag laban sa smuggling at iba pang pandaraya, na nakalinya sa direktiba ni Commissioner Rubio na iimplementa ang mahigpit na border control mea­sures sa Mindanao.

(JOEL O. AMONGO)

216

Related posts

Leave a Comment