BOC-LANDBANK BRANCH BUKAS KAHIT SABADO NGAYONG BUWAN NG HUNYO

LANDBANK-2

(Ni JO CALIM)

Bukas ang Landbank BOC-Port of Manila Tellering Booth sa lahat ng araw ng Sabado ngayong buwan ng Hunyo.

Ito’y  bilang tugon sa kahilingan ni  Atty. Rhea Gregorio, District Collector ng Bureau of Customs Port of Manila sa pamunuan ng Land Bank of the Philippines.

Sa ipinadalang sulat ni Atty. Gregorio kay Jennifer Delloro, head, South Harbor Branch ng LandBank na petsang Mayo 20, 2019 hiniling nito  na buksan para sa kanilang mga stakeholders ang over-the-counter (OTC) transactions ng BOC sa lahat ng Sabado ngayong buwan na kinabibilangan ng mga petsang Hunyo 1,8,15, 22 at 29, 2019.

Layunin ng pagbubukas ng nasabing tellering booth na serbisyuhan at tanggapin ang import duties and taxes  ng Port of Manila (POM).

Maging ang pangangailangan ng bangko ng mga stakeholders ng ahensiya at ang publiko na may transaksyon dito.

Nauna na ring binuksan ang  BOC-POM Tellering Booth noong nakaraang Mayo 01, 04, 11, 13 at 18, 2019 ngunit  walang tinanggap na bayad.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Delloro sa BOC dahil sa  patuloy nitong pagsuporta sa kanila.

Dahil sa maganda umanong ugnayan sa pagitan ng LankBank at POM ,inaasahan na mas lalo pang lalaki ang buwanang koleksyon ng Customs sa kabuuan.

Naunang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang BOC ang  isa sa may  pinakamalaking ambag sa kaban ng gobyerno na nagagamit para sa mga proyekto nito.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang naging trabaho ng mga tauhan ng Manila International Container Terminal (MICT) kahit sa mga araw na deklaradong holiday.

Tulad noong Hunyo 5 na ipinagdiriwang ang Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan at gayundin kahapon na ginunita ang Independence Day.

Layunin pa rin nitong maserbisyuhan ang mara­ming stakeholders at partners ng nasabing ahensiya ng pamahalaan.

149

Related posts

Leave a Comment