BOC NAGDAOS NG 2-DAY STRATEGY FORMULATION ACTIVITY

2-DAY STRATEGY FORMULATION ACTIVITY

Para magkaroon ng mataas at de-kalidad na serbisyo

Sa layong magkaroon  ng mataas at de-kalidad na serbisyo, nagsagawa ng ‘2-day strategy formulation activity’ ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark, Angeles City, Pampanga kamakailan.

Ang aktibidad na isinagawa nitong nakaraang  Setyembre  5 hanggang 6, 2019 sa Lewis Grand Hotel, Pampanga ay bahagi ng  strategic planning ng ahensya na nakapaloob sa  10-point priority program nito.

Kabilang sa mga dumalo sa sesyon ay ang Customs Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors, District Collectors at iba pang key officers ng ahensya.

Nagsilbing  tagapangasiwa  ang Institute for Solida­rity in Asia (ISA) sa pamumuno ni Mr. Chris P. Zaens, ISA’s Executive Director.

Binigyan ang bawat departamento para sa  pag­hahanda  ng  pagsusumite ng kanilang Office Performance, Commitment and Review (OPCR).

Walong grupo kasama ang grupo ng District Collectors ang nagprisinta sa harapan ni Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero ng kanilang ginawang roadmaps.

Ayon kay  Guerrero, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagsisikap ng ahensya na maitaguyod ang good governance bilang pagtalima  sa   Performance Governance System (PGS) ng  ISA.

Ang BOC ay pursigidong maaabot ang kanilang annual target at mapairal ang transparency. (Jo Calim)

138

Related posts

Leave a Comment