Enero hanggang Hunyo 2023 BIR, BOC REVENUE COLLECTIONS TUMAAS, BTr BUMABA

INIULAT ng Bureau of Treasury (BTr) ang kabuuang revenue collections para sa unang anim na buwan ng taon na nakapagtala ng 7.7% year-on-year (YoY) na umabot ng P1.9 trilyon.

Ang revenue collections ay nakalagpas sa programa ng 2.7% o P49.2 bilyon.

Sa pamamagitan ng ahensiya, ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR)’s year-to-date (YTD) collections ay lumaki ng 7.7% o P86.7 billion YoY hanggang P1.2 trilyon.

Ang Bureau of Customs PH (BOC) YTD collections ay lumaki rin ng 9.3%, na umakyat ng hanggang P433.4 bilyon.

Ang nasabing performance na ito ay nakapagtala ng 3.04% na mas mahusay kumpara sa P420.7 billion H1 target dahil sa kanilang anti-smuggling operations.

Sa kabilang banda, ang BTr’s YTD income ay bumaba ng 10.7%.

Gayunpaman, ang 6-month performance ay nakalagpas sa programa para sa period ng 92.2% at nakapagtala ng 59.5% mas mataas sa P58.3 billion full-year program dahil sa mataas na kinita mula sa ‘Bond Sinking Fund (BSF) investment, dividend remittances, gayundin ang National Government (NG) share mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) profit and interest income mula sa deposits.

(JO CALIM)

224

Related posts

Leave a Comment