INSPECTION VS MV GLOBAL LEGEND IPINATUPAD

INSPECTION VS MV GLOBAL-2

NAGSAGAWA ng ha­zardous inspection ang inter-agency composite team, sa pangunguna ng Bureau of Customs sa Port of Limay, sa MV Global Legend sa Mariveles, Bataan noong Oktubre 24, 2019.

Ang MV Global Le­gend na may bandera ng Malta, ay naglalaman ng 43.450MT ng Indonesian Steam Coal mula sa Samrinda, East Kalimantan, Indonesia.

Ang nasabing operas­yon ay parte umano ng “INTERPOL Operation 30 Days at Sea Philippines 2.0”.

Ang operasyon na binubuo ng inter-agency law enforcement operation ay nakasentro sa tatlong main operation targets na kinabi­bilangan ng (1) Pollution from Vessels and Offshore Installations; (2) Land-based and River Pollution Impacting the Marine Environment; at (3) Waste trafficking through Ports.

Kabilang sa bumubuo ng inter-agency law enforcement ay ang Philip­pine National Police (PNP-Maritime), Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Coast Guard (PCG), Port State Control, National Bureau of Investigation (NBI), ang BOC Enforcement and Security Service-Customs Police Division (ESS-CPD), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Piers Inspection Division (PID) na nakiisa sa operasyon.

May kinatawan din mula sa Anda Power Corporation (importer/consignee) at World Mariner Phils. (ship’s agent) na kasama rin sa operasyon. Sa inisyal na operas­yon, ang mission order ay para sa inspeksiyon sa “master of the Maltese vessel, Captain Bubit Dzivat”.

Ang nasabing order ay pinatupad ng mga miyembro ng BOC kasama ng Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Quarantine (BOQ).

Sa agarang inspek­syon na isinagawa, wala namang nakitang paglabag ang “MV Global Le­gend” at wala ring nakitang dalang anumang hazardous o toxic waste materials.

Ang BOC ang nagsilbing lead agency laban sa mga shipment ng ha­zardous waste sa bansa.

Bilang parte ng pangakong pagsisilbi, ang Bureau ay nananati­ling nakikipag-ugnayan sa local at international enforcement agencies para matiyak na ang border security ay naipatutupad nang maayos. (Jo Calim)

147

Related posts

Leave a Comment