MEAT IMPORTS SASALAIN NG DA

MEAT IMPORTS

IGINIIT ng Bureau of Customs (BOC) na ang meat at pork imports ay kailangang dumaan muna sa inspeksiyon ng Department of Agriculture (DA) bago ito makaalis sa bakuran ng kawanihan.

Ito ang nakasaad sa Article IV, Section 12 paragraph (b) ng Republic Act No. 10611, o mas kilala sa tawag na Food Safety Act of 2013,  na “imported foods shall undergo cargo inspection and clearance procedures by the DA and the DOH at the first port of entry to determine compliance with national regulations.”

Ang inspeksiyon ng DA at ng DOH ay kailangang dumaan sa assessment para sa tariff at iba pang charges ng BOC.

Ang regulasyon ay ­inimplementa ng BOC para matiyak ang kaligtasan ng consumers para maprotektahan ang pagpasok ng pagkain na walang dalang sakit, partikular ang African Swine Fever (ASF).

Bilang bahagi ng pagtupad, ang BOC ay regular na nakikipag-ugnayan sa DA at sa DOH para sa mga dokumento tulad ng Foreign Manifest of Arriving Vessels para malaman ang shipments na nangangailangan ng food safety inspection.

Kaugnay nito, para matiyak ang kaligtasan ng gene­ral public, bago dumating ang mga barko o sasak­yang pandagat mula sa kanilang port of origin, sa anumang port of entry ng bansa, ang boarding formalities ay mahigpit na ipatutupad ng BOC,  Qua­rantine Officers ng Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay BOC Spokesperson and Assistant Commissioner Atty. Vincent Philip Maronilla, lahat ng imported agricultural goods ay isasailalim sa initial exa­mination ng DA kasama ng BOC examiners.

Tinitiyak din na lahat ng containers ay isasailalim sa 100%  na eksaminasyon na isinasagawa ng BAI, BPI at BFAR sa kani-kanilang accredited warehouses.

Sa kaso naman ng meat products, ang container ay kailangang sinelyuhan ng BAI bago i-release ang na­sabing imports mula sa BOC.

Kailangan din umanong dumaan sa 100% eksaminasyon ng National Meat Inspection Service sa kani-kanilang accredited storage warehouse.

Binigyan diin ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na ang BOC ay maagap laban sa mga ulat na may shipments na umano’y naglalaman ng smuggled goods at iba pang kontrabando at seryoso sila sa pagpapatupad ng batas laban sa imported pork at meat products mula sa ASF-hit countries.  (Joel O. Amongo)

119

Related posts

Leave a Comment