P1.4-M KUSH MARIJUANA NASABAT NG BOC-NAIA

KUSH MARIJUANA

(Ni JOEL O. AMONGO)

Aabot sa  P1.4 milyon halaga ng kush marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula sa isang residente ng San Juan City, kamakalawa na nakasilid sa loob ng Tortilla chips.

Ayon sa ulat,  naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at BOC-NAIA ang  hindi muna pinangalanang suspek matapos tangkain umano nitong kunin ang padala  sa Central Mail Exchange Center ng nasabing paliparan.

Dito nadiskubre na ang padala ay naglalaman umano ng 847.24 gramo ng marijuana o kush weeds na may halagang P1.4 milyon na kung saan nakasilid umano ito sa loob ng Tortilla chips package na galing sa United States of America (USA).

Dahil dito, kakasuhan ng paglabag sa Section 117, 1400 at 1113 ng Republic Act (RA) 10863 (CMTA) na may kaugnayan sa RA No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na nagtangkang kumuha ng padala.

Kaugnay nito, binalaan ng BOC at PDEA ang publiko laban sa pag-import ng illegal goods dahil hindi makaliligtas  ang mga ito dahil na rin sa kanilang pi­naigting na kampanya kontra smuggling partikular ang illegal drugs.

115

Related posts

Leave a Comment