BALIK-NORMAL SA ANGAT DAM: 2 BUWAN PA

angatdam22

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMA’T nakakaranas na ng pag-uulan, inaasahan ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) na sa buwan pa ng Setyembre maaabot ng Angat Dam ang normal water level.

Sa monitoring ng Pagasa ay nasa 160.29 meters na ang water level sa Angat Dam nitong Martes o mas mataas sa 159.85 noong Lunes.

Tumaas na rin ang tubig sa La Mesa Dam na ngayon ay nasa 72.23 meters.

Ayon sa PAGASA inaasahan na sa pagsapit pa ng buwan ng Setyembre magiging normal ang water level sa mga dam kung saan dalawa hanggang tatlong bagyo ang papasok sa bansa.

 

 

 

95

Related posts

Leave a Comment