(Ni BOY ANACTA)
BINIGYAN NG pagkilala ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero si Manila International Container Port (MICP) District Collector Atty. Erastus Sandino Austria dahil sa mahusay na performance dahilan upang malagpasan ang kanilang April target collection.
Personal na inabot ni Guerrero ang certificate of commendation kay Austria bilang pagkilala sa kasipagan ng mga tauhan ng MICP.
Noong nakaraang Abril ay nakapagtala ng kabuuang P13.8 bilyon actual collection ang MICP kumpara sa kanilang target na P13.6 katumbas ito ng 175.7 milyon pisong lagpas.
Ang mataas na koleksyon ng MICP ay dahil na rin sa mga ipinatutupad na pagbabago ng BOC sa pangunguna ni Guerrero.
Kaugnay nito, patuloy rin naman ang pagtaas ng mga koleksyon ng mga pwerto sa iba’t ibang lugar sa bansa.
103