TOTOO sa kanilang mandato na puprotektahan ang bansa sa pagpasok ng ilegal na droga,
Nakumpiska ng Bureau of Customs ang mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon na nakasingit sa mga kargamento ng aquarium filter mula sa Czech Republic noong Disyembre 3.
Nang isailalim sa inspeksyon ang kargamento, nakita ang kahinahinalang balot kung kaya’t nagkaroon ng pagdududa na posibleng droga dahilan upang gumamit ng K-9 mula sa Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsusuri ng mga kargamento.
Nakuha ang dalawang plastic pack ng crystalline substances kaya’t kaagad na ipinasuri ang mga ito na sa huli ay nagpositibo sa Methamphetamine hydrochloride o “shabu.”
Maliban sa shabu, nakuha rin sa kargamento ang 30 ml. ng marijuana na idineklarang nutritional supplements na nakalagay sa tatlong botelya. Nagpalabas ng warrant of seizure and detention ang BOC. (JO CALIM)
139