Para sa mas murang kalakal at mataas na IRA BOC-LEGAZPI, DTI AT PPA MAGTUTULUNGAN

NANGUNA ang Bureau of Customs-Legazpi, sa tulong ng Department of Trade and Industry at Philippine Ports Authority, sa isang forum on Trade and Logistics Direct sa Bicol Region noong Setyembre 11, 2023.

Ang forum, ay naka-focus sa pagpapasigla sa mga aktibidad sa kalakalan at pag-optimize sa proseso ng logistic sa Bicol Region sa pamamagitan ng containerized shipments, na naaayon sa kautusan ni Commissioner Bienvenido Rubio, na nakilala ang malawak na potensyal ng Bicol na maging isang sentro para sa trade and logistics activities.

Para magbigay liwanag sa mga nakiisa, si Mr. Marlon Isah de Guzman, General Ma­nager ng Eagle Express, bilang agent ng Regional Container Lines (RCL) South Philippines, ay tinalakay ang kaugnay sa RCL at kung paano i-operate ang isang network ng ports sa buong Asia at bilang suporta sa ‘port-to-port services’, na magtitiyak ng seamless transportation ng cargoes sa pagitan ng iba’t ibang ports.

Sa kasalukuyan, ang mga produkto ng Bicol na papuntang Manila, ay nagreresulta sa mataas na logistics cost. Gayunpaman, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sisidlan sa Bicol, ang exports ay direktang maibibiyahe na sa isang global hub port, tulad ng Singapore, na kumonekta sa 600 ports sa 120 mga bansa.

Ito ay nag-aalis ng pangangailangan para sa pagpapadala na daraan sa sa Manila, na magbebenipisyo sa exporters, partikular ang kaugnay sa logistics cost, na parehong naaangkop sa imports.

Bilang resulta, sa containe­rized shipments ay inaasahan na tataas ang Port revenue collection, na makaaambag sa mataas na Internal Revenue Allotment (IRA) para sa Local Government Units (LGUs) sa Bicol sa pamamagitan ng Mandanas-Garcia Ruling.

Ang direct shipments sa Bicol ay magreresulta rin sa mas abot kayang bilihin para sa consumers.

Kabilang sa mga nakiisa sa nasabing forum ay ang importers, exporters, customs brokers, local enterprises at ang academe.

Ang government leaders na dumalo sa nasabing forum ay ipinakita ang kanilang pangako sa rehiyon ng kalakalan at logistics development.

Karagdagan nito, ang go­vernment agencies na presente ay tiniyak ang kanilang suporta kaugnay sa magagamit na sistema para bigyang kapangyarihan ang mga ito upang i-maximize ang potensyal ng rehiyon para sa kanilang sari­ling paglago at tagumpay.

(BOY ANACTA)

287

Related posts

Leave a Comment