PEKENG HAVAIANAS SLIPPERS SINIRA

FAKE HAVAIANAS SLIPPERS

(Ni JOEL O. AMONGO)

SINIRA ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao ang  3,276 pares ng  ‘fake’ smuggled slippers na nakumpiska sa isang kompanya sa Davao City kamakailan.

Ang nasabat na mga tsinelas na may 3,276 pares smuggled fake Havaianas ay sinira ng BOC Port of Davao noong nakaraang Agosto 7, 2019.

Ang pagkakasabat ng mga tsinelas ay resulta ng pinatinding kampanya ng BOC na mahigpit na pagpapatupad ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Ang kargamento ay nasabat sa pamamagitan ng Letter of Authority (LOA) na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa may-ari ng HBTT Marketing Warehouse sa Porras St., Brgy. 15-B Obrero, Davao City.

Kasama sa isinagawang pagsira ng mga tsinelas ay sina Atty. Dante Maranan, Deputy Collector; Caliph Dagpin ng Inventory Auction and Cargo Disposal Committee (IACDC) ng BOC-Davao; Hechanova Law Firm na kinatawan mula sa manufacturers ng Havaianas Lorena Apolonio; at Demi Barrato ng Commission on Audit.

Ang Havaianas ay kilalang pangalan ng tsinelas sa Pilipinas na pilit na ginagaya ng mga ilegalistang negosyante dahil sa mabili sa merkado.

237

Related posts

Leave a Comment