PINAS, NO. 2 SA SOUTHEAST ASIAN NATIONS SA 2023 UN GLOBAL SURVEY

PUMANGALAWA ang Pilipinas sa ranking sa Southeast Asian Nations sa 2023 United Nations (UN) Global Survey na isinagawa kamakailan.

Umakyat mula sa third spot sa nakaraang 2021 survey, ang bansa dahil sa patuloy na progreso sa paggawa ng makabagong mga proseso at pagkamit ng world-class customs administration.

Ang nasabing survey na isinagawa ng iba’t ibang UN bodies, ay nagbigay ng malalim na pag-aanalisa sa progreso ng mabilis na kalakalan sa bansa at naitampok ang kahanga-hangang mga tagumpay nito sa pagpapaunlad ng kahusayan at pagtataguyod ng internasyunal na pakikipagtulungan.

Sa pinakahuling survey, ang Pilipinas ay nakamit ang kahanga-hangang kabuuang Trade Facilitation score na 87.10%.

Bukod dito, kung ikukum­para sa 2021 survey, kung saan ang bansa ay nakapagtala ng 86.02% score, ang Pilipinas ay nagpakita ng matatag na pagpapabuti, sumasalamin sa dedikasyon nito sa tuloy-tuloy na progreso simula 2015.

Sa nasabing score sa 2023, ang Pilipinas kasama ng Malaysia at Indonesia, ay naitala bilang ‘second’ sa Southeast Asian Region, kasunod ng Singapore na may score na 96.77%.

Isa sa key factors na nakaambag sa tagumpay ng Pilipinas sa global stage ay ang Bureau of Customs (BOC) sa aktibong partisipasyon sa regional and sub-regional initiatives.

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa ‘Framework Agreement on Facilitation of Cross-border Paperless Trade in Asia and the Pacific (CPTA) and expanding the ASEAN Single Window Agreement through the electronic exchange of the electronic Phytosanitary Certificate (e-Phyto),’ ang bansa ay nasemento ang paraan para sa seamless and paperless cross-border trade.

Ang mga inisyatibang ito, na nagbibigay ng inclusive at capacity-building inter-governmental platform, ay naglatag ng pundasyon para sa Pilipinas sa paglipat sa mas kaunting papel at tuluyang walang papel na kalakalan.

Bukod dito, ang 2023 UN Global Survey ay naka-highlight din sa dedikasyon sa implementasyon ng WTO Trade Facilitation Agreement sa pamamagitan ng Philippine Trade Facilitation Committee (PTFC). Ang bansa, sa pamamagitan ng BOC, ay naging proactive sa pag-adopt sa umuusbong na mga pamamaraan tulad ng CPTA kamakailan, na nagsusulong ng paperless trade o e-trade.

Gayundin, ang survey ay nagrerekomenda ng cutting-edge paperless and cross-border trade facilitation measures, at mga inisyatiba at layunin bilang suporta sa pagpapanatili ng kalakalan.

Ang BOC ay naging maagap sa pagbubuo ng mga inobasyon at digital na mga pagbabago para mapalakas ang kalakalan at maisulong ang “ease doing business” para sa stakeholders.

“We take immense pride in the Philippines’ remarkable ascent to the second spot in the 2023 UN Global Survey on Digital and Sustainable Trade Facilitation. This accomplishment reflects our nation’s dedication to embracing technological advancements and creating a more sustainable and inclusive trade environment,” ani Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

(JO CALIM)

76

Related posts

Leave a Comment