REPORMA NI RUIZ, APRUB SA NICA

MATAPOS ang limang buwan sa pwesto, nagbunga ang mga implementasyon ng repormang isinulong ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC), matapos lumabas ang resulta ng pagsusuring pinangasiwaan mismo ng isang tanggapan sa ilalim ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Patunay nito ang iginawad na pagkilala ng National Law Enforcement Coordinating Committee kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa ipinamalas na sigasig sa pagpapatibay ng koordinasyon ng kawanihan sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para sa mas agresibong pagsupil ng malawakang smuggling sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Para sa NLEC, malaking bentahe ang isinulong ni Ruiz na sabayang pagkilos kasama ang mga katuwang na ahensya kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga kagawaran ng pamahalaan.

Anila, malaki ang ambag ng kawanihang pinamumunuan ni Ruiz sa isinusulong na pagpapatibay ng koordinasyon sa iba’t ibang tanggapang may kinalaman sa mandato ng pagpapatupad ng mga umiiral na batas at reglamento.

Tugon naman ng BOC, tumatalima lamang ang kanyang kawanihan sa direktiba ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr. – ang bagong Aduana.
“We’re just following the directives of the President who told us to enhance collaborative efforts with other government agencies in fulfilling its mandates of trade facilitation, border protection, and revenue collection.”

458

Related posts

Leave a Comment