HINIMOK ni Finance Secretary Ralph G. Recto ang Kongreso sa agarang pagpasa ng mahalagang mga repormang kailangan upang mabawasan ang antas ng deficit at utang ng Pilipinas, sa ginanap na 2024 Philippine Economic Outlook Briefing at Luncheon sa Admiral Hotel, Manila.
“You already know the drill. None of these crucial measures will come to fruition without your help and backing. I, therefore, call on our friends in Congress to partner with us in securing the immediate passage of these reforms,” ani Recto sa kanyang mensahe sa harap ng senior staff of legislators pati na rin sa mga kinatawan mula sa National Government agencies.
Ang briefing ay isinagawa upang makatulong sa senior staff of legislators para mas maunawaan ang Department of Finance (DOF)’s priority bills at linawin ang anomang maling akala na maaaring mayroon sila bago magsimula ang mga sesyon sa Kongreso.
Kabilang sa resource persons ay mula sa DOF’s offices at attached agencies na napag-usapan ang priority bills’ salient features, fiscal impact, and target legislative timeline.
Kasabay nito, kinilala ni Secretary Recto ang strong economic performance ng bansa at sinabi na nakabawi ito mula sa pagbagsak dulot ng pandemya.
Noong ikatlong quarter ng 2023, ang Pilipinas ay lumago ng 5.9 percent, ito ang pinakamabilis na paglago at pinakamalakas sa mga ekonomiya sa Asia.
Kabilang dito ang mga bansang Vietnam (5.3 percent), Indonesia at China (4.9 percent), Malaysia (3.3), at Singapore (0.7 percent).
Gayundin, ang inflation rate ay bumagal at ang bilang ng mga walang trabaho ay umabot sa pinakamababang lebel, habang ang mga panlabas na account ay manatiling matatag.
Sinabi pa ng kalihim, ang gobyerno ay may maaasahang daloy ng kita, habang ang kasalukuyang National Government debt-to-GDP at deficit-to-GDP ratios ay nasa loob ng mga parameter ng Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).
Gayunpaman, inihayag ni Recto na ang bansa ay magpapatuloy upang tiyak na masolusyunan ang inflation at lalong lumaki ang revenue collections para mapondohan ang economic development at mga pangangailangan ng mamamayan.
“[F]iscal sustainability can only be achieved if we install a system that guarantees fairer and more efficient tax administration,” dagdag niya.
Kabilang sa mga reporma ay ang Package 3 ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) or Real Property Valuation Reform (RPVAR); VAT on Digital Service Providers (DSP); the Rationalization of the Mining Fiscal Regime; the Single-Use Plastic (SUP) Bags Tax Act; and Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE).
“These reforms will not only finance development but will reduce the deficit and our dependence on debt,” banggit pa ni Secretary Recto.
Idinagdag niyang ang DOF ay kasalukuyang pinagbubuti ang kanilang mga panukala at nagpahayag ng kanyang layunin na bumisita sa Senado sa lalong madaling panahon upang personal na ipaliwanag sa mga senador ang mga reporma.
Si DOF Chief Economic Counselor Zeno Ronald R. Abenoja ang nagpresenta sa Medium-Term Economic Outlook and Fiscal Program; habang si National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn T. Uy ay nagpaliwanag naman sa Promoting Open Access in Data Transmission; Si DOF Undersecretary for Privatization and Corporate Affairs Group Catherine L. Fong ang nagtalakay sa usapin ng Department of Water Resources; at si DOF OIC-Undersecretary of the Fiscal Policy and Monitoring Group Karlo Fermin S. Adriano ang nagtalakay sa DOF priority reforms.
141