SERBISYO NG BOC PAGAGANDAHIN PA

BOC-11

(Ni BOY ANACTA)

Sa layuning pagandahin pa ang paghahatid serbisyo sa publiko ng Bureau of Customs (BOC), nag-enroll ang ahensya sa Performance Governance System (PGS).

Bahagi nito ay ang pakikipag-ugnayan ng BOC sa Institute for Solidarity in Asia (ISA) para sa ‘strategic planning facilitation services’ .

Layunin nito na ma­ging moderno na ang BOC para magkaroon ng mataas na kalidad ng serbisyo sa stakeholders  partikular pagdating sa designing, execu­ting, monitoring at sustaining strategy na siyang pangunahing plataporma ng PGS.

Dahil dito, sumailalim ang BOC sa 3-araw na ‘Strategic Positioning and Roadmapping Session’ na ginanap sa Diamond Hotel noong nakaraang Agosto 1, 2019 na kasama sa isinusulong na 10-point priority program ng ahensya  para sa taong 2019.

Ang tatlong araw na aktibidad ay dinaluhan ng Customs Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors at mga BOC Port Collectors.

Nagsilbing resource speakers/facilitator ay si  Mr. Chris Zaen, ISA Executive Director

Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang enrollment ng bureau sa PGS ay bahagi ng  programa ng ahensya para sa good governance at anti-graft and corruption.

Pursigido ang kasalukuyang pamunuan ng BOC at mga tauhan nito na isusulong ang pagbabago at reporma sa ahensya partikular ang pagsugpo sa lahat ng uri ng korapsyon.

Bukod pa sa pagsusulong ng mga hakbangin upang maitaas ang moral standards ng kawanihan at palakasin na maging produktibo ang kapaligiran nito.

Kamakailan  ay  nagpatupad  na ng iba’t ibang reporma ang  pamununan para mapaganda at ma­ging epektibo  ang serbisyo  gayundin ang pagpapairal ng transparency at pag-iwas mula sa mga katiwalian.

187

Related posts

Leave a Comment