SMUGGLED GADGETS NASABAT

SMUGGLED GADGETS

(Ni JOEL O. AMONGO)

Nasabat  ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), Intellectual Property Rights Division (IPRD), Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force (JTF)-National Capital Region (NCR) at Philippine Coast Guard (PCG) ang mga ‘smuggled high-valued electronic products’ matapos ang isinagawang pagsalakay sa isang business establishment sa Binondo, Maynila na umano’y nagbebenta ng mga nabanggit na produkto.

Ang grupo ay armado ng Letter of Authority (LOA) No. 07-31-152-2019 nang salakayin  noong Hulyo 31, 2019  ang naturang establisimiyento na kung saan nasabat ang  mga electronic devices  tulad ng Apple Iphones, I­Pads, Mi Brand at Samsung devices, na pawang wala umanong  maipakitang katibayan ng ‘proper payment of duties and taxes’.

Ang issuance ng nasabing LOA, ay ayon sa nakasaad sa  Section 224 of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sa ilalim ng CMTA provision, “The Commissioner or any Customs officer who is authorized in writing by the Commissioner, may demand evidence of payment of duties and taxes on imported goods openly for sale or kept in storage. In the event that the inte­rested party fails to produce such evidence within fifteen days, the goods may be seized and subjected to forfeiture proceedings.”

Lumitaw na mahigit isang buwan  ang pangangalap ng impormasyon  at pagsubaybay  ng mga awtoridad sa aktibidades ng kompanya bago  isinagawa ang pagsalakay.

Ang may-ari ng establisimiyento ay binigyan ng palugit hanggang Agosto 14, 2019 para ipakita ang kanyang katibayan na nagbayad siya ng duties and taxes sa kanyang imported goods.

Kasabay nito, nadiskub­re rin sa isinagawang pagsalakay ang labinlimang  undocumented Chinese at pawang  dinala na sa  Bureau of Immigration (BI) para sa  documentation and processings ang mga ito.

Nabatid mula sa BI, na sa labinlimang Chinese, siyam dito ang natuklasang pawang tourists na nagtatrabaho na walang kaukulang permit, tatlo ang hindi alam ang status (no record of travel found), dalawa ang may 9G visa at isa  ang may Special Working Permit.

Ipinasa na sa Legal Division ng Bureau of Immigration ang  labinlimang Chinese para sa deportation proceedings.

138

Related posts

Leave a Comment