Aprub kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong nakaraang Lunes (Hulyo 22) partikular ang pagtutok nito sa usapin ng korapsyon sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.
“President Rodrigo Duterte, in his 4th SONA, has made it clear to all that anti-graft and corruption is among, if not, his top priority during his remaining years as president. He cited the BOC’s impressive collection last year and noted how much more it could have been had the BOC been cleaned of graft and corrupt officials. In my private meeting with the president, he emphasized his desire to rid the BOC of corrupt officials and employees and gave me specific instructions to pursue and finish the BOC clean up. He also expressed his displeasure over unscrupulous Customs brokers involved in illegal activities and wanted their accreditations and licenses revoked, and cases filed against them,” ayon kay Guerrero.
Ayon pa kay Guerrero, ang kanyang mga tauhan ay nananatiling sang-ayon sa kanyang polisiya sa paglaban sa korapsyon simula nang unang araw na kanyang pag-upo bilang commissioner ng Customs.
Pinayuhan din ni Guerrero ang kanyang mga tauhan na maging simple ang kanilang pamumuhay, sumunod sa mga regulasyon at magkaroon ng integridad.
Marami na umano siyang ginawang pagbabago sa system para ipalaganap ang transparency at maalis ang oportunidad na matukso sa pera.
Kasabay nito, tiniyak ni Guerrero na sa sandaling may mapatunayan siyang sangkot sa ilegal ang kanyang tauhan ay gagawan niya agad ito ng aksyon na naaayon sa batas.
Muling pinaalalahanan ni Guerrero ang lahat ng kanyang mga tauhan na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga lingkod bayan.
“Gaya ng sinabi ko noong una akong humarap sa inyo. Dalawa lang ang pwede nating patunguhan sa pamamalakad ko sa BOC – magsama tayo o maghiwalay tayo. At kung maghihiwalay man tayo ay maghiwalay tayo ng maayos. Mag-resign o mag-retire na lang kayo kung hindi niyo kayang talikuran ang corrupt na pamumuhay,” dagdag pa ni Guerrero. (Jo Calim)
129