TARGET COLLECTION SA BUWAN NG OKTUBRE NALAMPASAN NG PORT OF CLARK

PORT OF CLARK

POSITIBONG lagpas sa kanilang monthly target collection ang Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, Angeles, Pampanga.

Sa pinakahuling data na inilabas ng Collection Division ng BOC-Port of Clark, nakapagtala ng aktuwal na koleksyon na P190,808,924.93 ang nasabing port mula Oktubre 1-31, 2019.

Nakapagtala ng 7.05 porsiyentong taas ang Port of Clark na may target na P178,247,102 para sa Oktubre.

Noong nakaraang buwan, ang Port of Clark ay nakapagtala ng pinakamalaking koleksyon laban sa parehong buwan (Set­yembre) noong nakaraang taon na nakakolekta sila ng P187,832,899.26 na kung saan ay 42.862 mil­yong piso o katumbas ng 29.57 porsyentong taas sa aktuwal na koleksyon noong Setyembre ng nakaraang taon.

Para kay Port of Clark District Collector Atty. Ruby Alameda, ang tagumpay ng kanilang tanggapan ay bunga ng pagtutulungan ng mga opisyal at tauhan ng Port of Clark.

“We were able to exceed this month’s target by strictly implementing proper valuation of goods and the rightful assessment of duties and taxes,” pahayag ni Alameda. (Joel Amongo)

176

Related posts

Leave a Comment