INSTANT NOODLES NILIBRE SA DAGDAG-BUWIS

HINDI kasama ang instant noodles sa papatawan ng mas mataas na buwis sa kabila ng mataas na sodium content nito.

“If you’re thinking of the noodles, ‘yun talaga salty ‘yun. That’s 60% sodium [content]. Hindi naman iko-cover ‘yun. ‘Yun ang talagang [para] sa mga mahihirap,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang panayam.

Ang isang pakete ng instant noodles— ‘paborito’ ng maraming mahihirap na sambahayan ay karaniwang naglalaman ng 1,500 milligrams (mg) hanggang 2,000 mg ng sodium, ang isang tao ay rekomendado na mag-consume lamang ng mas mababa sa 2,300 mg sa isang araw.

Kamakailan lamang ay isinulong ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang dagdag-buwis sa junk foods at sweetened beverages.

Layunin nito na maresolba ang isyu sa obesity sa bansa, at mapalakas ang revenue para sa Universal Healthcare Law.

Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mas pinaaga ang pagsusulong sa naturang panukala na nakaplano sana para sa taong 2025.

Inaaasahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na makakalikom ng P53.7 billion revenues mula sa mungkahing pagdaragdag ng buwis sa sweetened beverages.

Sa kabilang dako, plano ng Department of Finance (DOF) na magpataw ng P10 per 100 grams o P10 per 100 milliliters na buwis sa pre-packaged foods na salat sa nutritional value, gaya ng confectioneries, snacks, desserts, at frozen confectioneries na lumampas sa “specified thresholds” ng Department of Health (DOH) para sa “fat, salt, at sugar content.”

Winika pa ni Diokno na kinonsulta ng DOF ang National Nutrition Council at ang DOH na magpalabas ng listahan ng nasabing pagkain.

Sa ngayon, ang listahan ay kinabibilangan lamang ng “snacks, chips, ‘yun talaga siguro,” ayon kay Diokno. (CHRISTIAN DALE)

158

Related posts

Leave a Comment