INTERBYUHIN DIN ANG CONGRESSIONAL AT LOCAL CANDIDATES

HINDI lang ang presidential at vice presidential candidates ang dapat pagtuunan ng broadcast media kapag panahon ng presidential at­­ local election dahil hindi lang sila ang tumatakbo, kung nais ng mga ‘sikat’ na journalist na mai-level ang playing field.

Nagtataka lang ako tuwing panahon ng presidential at local election, hindi binibigyan ng broadcast media ng pagkakataon ang mga kandidato sa pagka-congressman, gobernador, mayor hanggang sa ibaba.

Puro mga kandidato sa pagkapangulo ang kanilang pinagtutuunan ng pansin pero ‘yung mga congressional candidate ay parang wala silang panahon gayung napaka-importante rin ng posisyong ito sa political arena sa ating bansa.

Mayorya sa mga congressman na nananalo ay mula sa mga political clan sa mga probinsya nila. Hindi sila sa national arena pero sila ang hari sa kanilang probinsya at sinuman ang babangga sa kanila ay walang pag-asang manalo.

Hindi ba dapat ding tanungin ang mga ito kung bakit sila tumatakbo? Bakit pagkatapos nila eh ‘yung asawa nila, anak nila o kapatid nila ang pumapalit?

Kailangan ding tanungin ang mga congressional candidate kung ano ba ang nagawa nila sa deka-dekadang pamumuno ng kanilang angkan sa kanilang probinsya at bakit para bang ayaw nilang bitawan ang political arena?

Tandaan n’yo na ang mga congressman ang unang nagkakamada ng national budget kada taon. Nasa kanila ang ‘power of purse’ ika nga nila at sila rin ang gumagawa ng mga batas tulad ng dagdag na buwis na lahat tayo ay nagbabayad sa iba’t ibang pamamaraan at sa kanila rin nagsisimula ang impeachment. Powerful sila!

Bakit walang pumapansin sa kanila na broadcast journalist kapag panahon ng eleksyon? Hindi rin pinapansin ang mga gubernatorial candidate, mayoralty candidates na mula rin sa iisang angkan at nagpapalitan lang din ang kanilang pamilya.

Hindi lang ang presidential candidate ang dapat busisiin dahil hindi lang siya ang nagpapatakbo sa gobyerno. Mas maraming malalang kandidato sa ibaba na hindi ­

binibigyan ng atensyon ng mga sikat na broadcast journalist.
Kapag midterm election naman, puro senatorial candidate ang iniinterbyu ng mga broadcast journalist at hindi pa rin pinapansin ang mga congressional candidates at

local candidates.
Alam naman siguro nila na dalawa ang bahay ng ­legislative branch of government. Hindi makakakilos ang mga senador kung hindi ki­kilos ang mga congressman o vice versa pero puro sa senatorial candidates nagkakainteres ang broadcast media, bakit?

134

Related posts

Leave a Comment