INTER’L CARGOES HAHAWAKAN NG BOC-CDO AT ORO PORT CARGO HANDLING SERVICES INC.

TINALAKAY sa pagpupulong ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro at Oro Port Cargo Handling Services Incorporated noong Enero 31, 2024, kung paano nila paplantsahin ang paghawak sa international containerized cargoes sa Macabalan Port.

Dito ay pinagpulungan na sa pagdating ng barkong MV Sheng An, ang pagdiskarga at pag-load ng international containerized shipment ay isasagawa sa Macabalan Port sa halip sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Mi­samis Oriental.

Gagayahin ng BOC Cagayan de Oro at Oro Port Cargo Handling Services ang cargo handling at Customs processes ng international shipment upang matiyak na maayos at streamlined ang operasyon.

Kaugnay nito, magdaragdag ang Oro Port ng kanilang mga manggagawa at magtatalaga ng examination area kabilang ang X-Ray Inspection equipment ng Bureau of Customs.

Ang catering ng international containerized cargoes sa Macabalan Port ay bahagi ng pagsisikap sa pagpapanumbalik ng BOC Port of Cagayan de Oro sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Alexandra Y. Lumontad upang muling pasiglahin ang kalakalan sa Northern Mindanao lalo na sa Macabalan Port.

Ito ay ambag sa patuloy na paglago ng kanilang revenue generation na nakalinya sa priority program ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Dahil dito, inaasahan na magiging maganda ang revenue collections ng BOC – Port of Cagayan de Oro sa hinaharap.

(BOY ANACTA)

1208

Related posts

Leave a Comment