INTERNET ACCESS SA BANSA PAIIGTINGIN NG KONEKTADONG PINOY LAW NA PINAMUNUAN NI CAYETANO

MALUGOD na tinanggap ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagsasabatas ng Konektadong Pinoy Act, isang makasaysayang hakbang na magtitiyak na maaasahan, abot-kaya, at accessible ang internet sa buong Pilipinas.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo kung kailan nag-lapse into law ang batas na ito, binigyang-diin ni Cayetano ang papel ng Konektadong Pinoy sa modernisasyon ng digital infrastructure ng bansa.

“We welcome this law that modernizes our digital infrastructure, ensuring that all Filipinos have access to, and the use of, affordable, quality, and up-to-date information and communication technologies,” pahayag ni Cayetano nitong August 24, 2025.

Ang senador ang naging sponsor ng panukala sa 19th Congress bilang chair ng Senate committee on Science and Technology.

Upang matiyak ang epektibong implementasyon, iginiit niya ang kahalagahan ng pagsasabay ng Konektadong Pinoy Act sa iba’t ibang batas kaugnay ng Information and Communication Technology (ICT).

Sa period of amendments sa batas, sinabi ni Cayetano na ang Konektadong Pinoy Bill ay hindi dapat tingnan nang mag-isa. “There’s the [need to also implement the] E-Governance Act, Creation of the Department of Information and Communications Technology (DICT), other ICT bills, and the masterplan for the country’s digital highway,” wika niya.

“Kasi kahit anong gaganda ng plano mo for ICT, kung di ka rin connected, wala ring mangyayari,” paliwanag niya, at idinagdag na ang mga ito ay palalakasin sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.

Layunin ng Konektadong Pinoy Bill na gawing mas madali para sa mga service provider na pumasok sa merkado, pasiglahin ang kompetisyon, at mag-alok sa mga consumer ng mas maraming bilang at mas abot-kayang mga opsyon para sa mga serbisyo sa internet.

Naghahangad din ang panukala na tiyakin na ang mga papasok na service provider ay may access sa telecommunications infrastructure habang itinatakda ang mga pamantayan upang protektahan ang mga consumer.

Pinangangalagaan din nito ang mga karapatan ng mga user sa pamamagitan ng pagtiyak sa dekalidad na serbisyo, na nangangailangan sa mga provider na matugunan ang mga minimum na pamantayan ng serbisyo.

Uunahin din ng batas ang pag-install ng imprastraktura sa mga lugar na malapit sa mga paaralan at mag-aalok ng angkop na mga diskwento para sa mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan bilang bahagi ng corporate social responsibility ng DTIPs.

“We honor these concepts to provide connectivity to those who need it the most. If all of these different laws work, we hope to have free WiFi in the schools to help the students,” wika ni Cayetano.

157

Related posts

Leave a Comment