Ipinoporma sa Kamara SANGGUNIANG SENIORS SA BAWAT BARANGAY

KUNG mayroong Sangguniang Kabataan (SK), posibleng magkaroon din ng Sangguniang Matatanda kapag nakalusot ang isang panukala na magtatatag nito sa hinaharap.

Base sa House Bill (HB) 10682 o “Sangguniang Senior Citizens Act of 2022” ni Rep. Rodolfo Ordanes, nais niyang magkaroon nito sa bawat barangay sa buong bansa tulad ng SK.

Layon umano nito na magkaroon ng boses ang halos 12 milyong matatanda sa buong bansa sa paghubog ng isang pamayanan.

“While senior citizens continue to be poised into becoming the major demographics in the Philippines, they remain to be one of the most underrepresented demographics in government, especially in the field of local governance,” ayon sa mambabatas.

Kapag naging batas ang panukala, maghalalal ang Sangguniang Senior Citizen katulad ng paghalal sa mga kinatawan ng SK sa bawat barangay. Magkakaroon din sila ng chairperson at 9 Sanggunian members na magsisilbi sa loob ng tatlong taon. (BERNARD TAGUINOD)

181

Related posts

Leave a Comment