MAGKAKAIBANG posisyon ang target ng dalawang pares ng mag-ama mula sa mga lalawigan ng Laguna at Rizal.
Sa Laguna, kandidato bilang bise gobernador si Jerico Ejercito habang ang ama naman niyang si dating Laguna Gov. ER Ejercito puntiryang makabalik sa pwesto bilang alkalde – pero hindi sa Pagsanjan kung saan siya nanungkulan ng mayor, kundi sa Calamba kung saan umano siya nakatira ngayon.
Gayunpaman, hindi magiging madali ang napipintong pagsagupa laban kay Joey Chipeco, lalo pa’t kapwa nakapwesto bilang Calamba City Mayor Timmy Chipeco at Laguna 2nd district Rep. Jun Chipeco.
Una nang nakapaghain ng kandidatura ang batang Ejercito kasabay ng kanyang katambal na si Rep. Sol Aragones na kandidato bilang punong lalawigan. Tatapatan nina Aragones at Ejercito ang mga re-electionist Gov. Ramil Hernandez at Vice Gov. Karen Agapay.
Target naman ng mag-ama mula sa bayan ng Angono, Rizal ang ituloy ang programang nasimulan sa kanilang mga termino bilang mayor at vice mayor.
Gayunpaman, walang re-eleksyong magaganap dahil ang nakaupong Mayor na si Jeri Mae Calderon ay naghain ng kandidatura para sa posisyon ng Vice Mayor. Samanatala, naghain ng kanyang certificate of candidacy ang kanyang amang Vice Mayor Gerardo Calderon bilang mayor naman ng bayang higit na kilala bilang “Art Capital of the Philippines.
Giit ng mag-amang Calderon, mas mabilis ang serbisyo kung walang kontrapelo. Pagtitiyak naman ng matandang Calderon, wala silang ibang hangad kundi ang ikabubuti ng bayang kilalang tahanan ng mga bantog na alagad ng sining. (CYRILL QUILO)
291
