ISKO PINANGUNAHAN HIGH-TECH QUAKE DRILL SA INTRAMUROS

GAMIT ang makabagong teknolohiya, pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kahandaan laban sa posibleng malakas na lindol o “The Big One.”

Biyernes ng umaga, pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang kauna-unahang sabayang Intramuros-wide earthquake drill sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall.

Sa pag-ugong ng earthquake drill alarm, ipinakita ang lawak ng saklaw ng sistema na may hanggang limang kilometrong radius mula City Hall na sakop ang buong Intramuros.

Ayon sa alkalde, isasagawa ang earthquake drill sa random day at random time, walang end date, upang masigurong laging handa ang mga empleyado at residente. Target ding dalhin ang drill sa iba’t ibang distrito sa mga susunod na buwan.

Gumamit ang lungsod ng X400 zoom thermal camera na may AI capacity para sa crowd density monitoring, may 50-minute flight time at 80–90% accuracy sa pagbibilang ng tao. Sa thermal camera, madaling matukoy kung may naiwang indibidwal o biktima sa loob ng mga gusali.

Handa rin aniya ang MDRRMO Command Center na may hospital-like facilities, ICU-like ambulansya, mobile X-ray at ultrasound, pati live monitoring mula sa integrated CCTV at high-tech drones.

Nilinaw ni Mayor Isko na iba ito sa regular na earthquake drill ng NDRRMC.

(JOCELYN DOMENDEN)

5

Related posts

Leave a Comment