MAKARAANG magkampeon sa Singles at Doubles sa JA tournament sa Italy, umakyat si Filipina teen tennis sensation Alex Eala sa number 2 spot sa International Tennis Federation World Juniors Rankings.
Nag-imprub ng 467.5 ang standing ni Eala matapos ang kambal na panalo sa Trofeo Bonfiglio tournament sa Milan Linggo ng gabi.
Kaya mula sa 2318.75 points ay tumalon sa 2786.25 ang 16-anyos na Pinay upang sipain ang dating world no. 2 na si Elsa Jacquemot ng France na may 2404.25.
Ito ang ‘best rankings’ na nakamit ng isang Filipino tennis player. Si Eala rin ang top ranked Junior player sa buong Asya.
Dinomina ng Pinay teen sensation si Nikola Bartunkova ng Czech Republic, 6-3, 6-3, sa Singles championship round sa JA tourney.
Tinalo rin niya at kapartner na si Madison Sieg ng USA ang pares nina Croatia’s Lucija Ciric Bagaric at Belgium’s Sofia Costoulas, 6-4, 4-6, 13-11, para makopo ang Doubles title.
Sa social media post niya ay nagpasalamat si Eala sa mga kapwa Pinoy at supporters niya na nanood sa kanya sa Milan. “Salamat sa mga kababayan and thanks to all my supporters. Champion in Singles and Doubles (Thanks Madison Sieg), 61st Trofeo Bonfiglio, Milan, Italy.”
137 