ITINAPONG MEDICAL WASTES SA DAGAT ‘FAKE NEWS’ -BFAR

ITINANGGI ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Linggo ang mga pahayag sa social media na hindi dapat kumain ng isda ang mga tao dahil itinatapon umano sa dagat ang mga medikal na basura.

Ayon sa BFAR, ang impormasyong kumakalat sa social media na nagsasabing ang mga medikal na basura, partikular na isang “tube mula sa isang ospital na may human immunodeficiency virus (HIV),” ay itinapon sa dagat ay “false information.”

“Ang Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay mahigpit na tinututulan ang claim na ito, dahil ang impormasyon ay HINDI TOTOO,” sabi nito.

Hinimok din ng bureau ang publiko na manatiling mapagbantay at i-verify ang impormasyon bago magbahagi ng anomang sa social media. (PAOLO SANTOS)

223

Related posts

Leave a Comment