Itutulak ni Defensor DAGDAG 10% DISCOUNT SA PROPERTY TAX SA QC

MADADAGDAGAN ng sampung porsiyento ang discount ng mga residente ng Quezon City sa kanilang real estate tax.

Ito ang isa sa mga isusulong nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Councilor Winnie Castelo sakaling mahalal sila bilang mayor at vice mayor ng lungsod sa susunod na taon.
Layunin ni Defensor na matulungan ang mga residente ng lungsod na makabangon mula sa pandemya.

“This would be a pandemic relief to city residents and those who own pieces of real estate in Quezon City,” ayon kay Defensor.

Sa ngayon aniya ay nagbibigay ang City government ng 20% discount kapag nagbayad nang mas maaga sa kanilang property tax subalit kapag siya ay nanalong mayor ay dadagdagan pa umano niya ito ng 10%.

“That is their entitlement for advancing their payments. On top of that, the city should give them a 10-percent discount because of the COVID-19 pandemic. It’s a way of helping and giving back to taxpayers,” ayon sa mambabatas.

Hindi aniya maaapektuhan ang pananalapi ng lungsod kapag ginawa ito dahil isa lamang ang property tax sa mga pinagkukunan ng income ng local government at pinakamalaki pa rin aniya ang business taxes.

Base sa report ni Defensor, nakakolekta ng P22 Billion na local taxes ang city government noong nakaraang taon na karagdagang pondo mula internal revenue allotment (IRA).

Samantala, muling iginiit ng mambabatas na dapat ibasura ang dagdag na buwis sa residential, commercial at industrial lot sa Quezon City na nakatakdang ipatupad sa Enero 2023.

Ang dagdag na buwis na ito ay nakapaloob sa Ordinance No. 2556 na sinuspinde lamang hanggang December 2022 subalit dahil sa pandemyang pinagdaanan ng bansa, kailangang ibasura aniya ito nang tuluyan.

“Our people are already struggling from the pandemic, with many workers finding it hard to support their families’ daily needs. We should not add to their financial burden,” ayon sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

406

Related posts

Leave a Comment