SI Ivana Alawi ang pinagpapantasyahan ngayon ng mga kalalakihan lalo na sa social media. Maging ang kanyang seryeng “A Family Affair” sa Kapamilya Network ay pulos hunk actors ang kanyang mga kasama tulad na lang nina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake na hindi rin itinago ang paghanga sa alindog ni Ivana. Kaya ganun na lang ang gulat ng followers ni Ivana nang ipagtapat ng sexy young actress na minsan naging sugar mommy siya ng kanyang ex-boypren.
Hindi na nga itinago pa ni Ivana na nabuwang siya sa pagmamahal ng isang lalaking inakala niyang mahal din siya pero bagkus pinerahan lang pala ang byuti niya. Buong-buo pa rin sa kaisipan ni Ivana ang kanyang naging karanasan sa pakikipagrelasyon noong edad 17 ang byuti niya.
“Ako taga-gas niya, taga-date. Akala ko kasi gano’n kapag mahal mo.
After graduation, bigla siyang nawala. Sabi ko,’ang galing ha. Pinag-gas lang niya ako nang pinag-gas tapos lahat ng ulam, ang nagbayad ako.”saad ni Ivana.
332