JANE OINEZA: ‘PINAGHANDAAN KO SI RK!’

PALABAS na sa mga sinehan ang pelikulang ‘Us Again’ na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing. Mayroong intimate scenes na ginawa ang dalawa para sa naturang proyekto. Ayon kay Jane, kailangan daw itong pakaabangan ng mga manonood. “Dito expect the unexpected. Ready naman ako sa kahit ano. Actually, masuwerte ako na sunud-sunod ‘yung mga nabibigay sa akin na project na ganitong story na nagma-mature na. Thankful ako na pinagkakatiwalaan ako sa mga mature na projects ngayon,” nakangiting bungad ni Jane.

Bilang paghahanda ay kinailangan daw na magpapayat muna ng aktres bago simulan ang pelikula. “I’m up for the challenge naman. Pinaghandaan ko si RK actually. Discipline and healthy eating in proportion. Pero regular eating (habit) pa rin naman ako,” natatawang pahayag ng dalaga.

Para naman kay RK ay talagang maipagmamalaki nila ang bagong pelikula dahil sa kakaibang istorya nito. “Feeling ko naman ang viewers, always ready sa ipapakita natin eh. I think it’s about time na lawakan pa natin ‘yung mga binibigay natin sa kanila and now is the best time kasi nakita naman natin na maganda ‘yung reception (ng mga nakapanood na). So nagulat sila and nagustuhan nila and nakakataba ng puso ‘yon. I think lahat naman tayo ginagawa natin ito para sa mga manonood. So, kung masaya sila then I think we should go that way,” paliwanag ni RK.

Nakiusap din ang aktor sa mga nakapanood na huwag pangunahan ang mga nais pang makapanood sa kung ano ang kakaibang twist ng ‘Us Again’. “Ang hinihiling namin sa lahat ng manonood, sana ‘pag napanood n’yo tulungan n’yo kaming mag-promote pero sana ‘yung istorya walang spoilers. Para mabigyan natin ng pagkakataon ‘yung ibang manonood na maramdaman din kung ano ‘yung naramdaman natin habang pinapanood natin. Sana no spoilers sa lahat,” pakiusap ng binata.

 

236

Related posts

Leave a Comment