NAIBALIK sa may-ari ang kanyang naiwang wallet sa waiting area ng Bacolod-Silay Airport, ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa nasabing ulat, natagpuan ang brown wallet ng isang Rick John Consul, janitorial staff ng airport, na nakapatong sa communal gang chair sa arrival area ng naturang paliparan.
Ayon kay Roel Aranzado, acting manager ng Bacolod-Silay Airport, ang nasabing wallet ay naglalaman ng mga importanteng dokumento, kabilang ang driver’s license, 9,000 pesos Philippine currency at 300 US dollars.
Nagpasalamat naman si Alexander Dacanay, may-ari ng naiwan na wallet, sa ipinakitang kabaitan ni Consul at sa ‘commitment’ sa kanyang trabaho.
(FROILAN MORALLOS)
761 