Jeep nahulog sa bangin 2 BIYAHERO NG BABOY PATAY, 3 SUGATAN

DEAD on the spot ang dalawang biyahero ng baboy habang kritikal na nasugatan naman ang tatlong kasamahan nila nang mahulog sa bangin ang sinasakyang nilang jeep na kargado ng mga baboy sa bahagi ng Brgy. Lenneng, Conner, Apayao.

Ayon sa Apayao Provincial Police Office, patay sa pagkahulog sa bangin ang hog buyer na sina alyas “Mike” at “Noli” habang sugatan naman ang driver at dalawang iba pang kasamahan nito na pawang residente ng Barangay Andarayan South, Solana, Cagayan.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng isang passenger type jeep ang mga biktima na may kargang 18 na baboy.

Pabalik na umano sa Cagayan ang mga ito galing ng Kabugao, Apayao subalit biglang nawalan ng umano ng preno ang sinasakyan nila sa pababa at pakurbadang bahagi ng national road sakop ng Barangay Lenneng.

Nawalan umano ng kontrol sa minamanehong jeep ang driver nito kaya nagtuloy-tuloy itong bumulusok sa bangin na naging dahilan ng dagliang kamatayan ng mga biktima bunsod ng mga sugat at pinsala sa ulo habang patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang mga nakaligtas sa aksidente.

(JESSE KABEL RUIZ)

47

Related posts

Leave a Comment