P1-B SHABU NADISKUBRE SA ABANDONADONG BAHAY SA ANGELES CITY

NATAGPUAN ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Angeles City Police Station 2 ang nasa 155 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 bilyon sa loob ng isang bahay sa Angeles City, Lunes ng hapon.

Batay sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-4:00 PM nang ikasa ang operasyon sa isang bahay na matatagpuan sa Block 7 Lot 5A Orchid Street sa Timog Hills Subdivision sa Barangay Pampang, Angeles City sa pangunguna ni PDEA intelligence service agent Bayani Alpon at ACPS chief PMaj Rodolfo Quiroz.

Armado ng search warrant ay nagawang pasukin ng mga nabanggit na operatiba ang nasabing bahay na pag-aari umano ng isang alyas ‘Guang Tou’, isang Chinese national.

Nananatili namang ‘at-large’ ang target na si Guang habang ang sinalakay na bahay nama’y tila abandonado at iniwan na lang ang mga nadiskubreng shabu na naka-plastic pack kada kilo.

Ayon sa PDEA, ang pagkakadiskubre ng droga ay may kaugnayan sa May 14 drug operation sa nasabi ring lungsod kung saan mahigit 35 kilos ng shabu ang narekober sa arestadong Chinese National at sa kasama nitong Filipino.

(ELOISA SILVERIO)

51

Related posts

Leave a Comment