‘JOB MASSACRE’ SA NFA WORKERS, HAGUPIT NG RICE TARIFF LAW

nfa1

(BERNARD TAGUINOD)

NAKAAMBA na ang “job massacre” sa may 1,792 empleyado ng National Food Authority (NFA) matapos aprubahan ng Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporation (GCG) ang restruktura sa nasabing ahensya.

Ito ang nabatid sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), halos isang taon pagkatapos maging batas ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Liberalization Law (RLL) na mas kilala sa Rice Tariffication Law.

Ang ‘restructuring” sa NFA ay bahagi ng implementasyon ng nasabing batas na naipasa noong Pebrero 2019 kung saan babawasan na umano ang bilang ng mga manggagawa sa nasabing ahensya.

“They call it ‘restructuring’ or ‘downsizing’. But for agricultural workers, we call it job massacre and we condemn it in the highest terms possible,” ani Antonio Flores, chairman ng UMA.

Nabatid kay Flores na ang nasabing bilang ng mga manggagawa sa NFA ay nasa plantilla o regular employees kaya kung isasama sa mga contractual, job order at casual employees ay mas malaki ang bilang umano ng mga mawawalan ng trabaho dahil sa nasabing batas.

Magugunita na binawasan sa nasabing batas ang papel ng NFA sa industriya ng bigas kaya hindi na kailangan ang maraming manggagawa sa nasabing ahensya.

“Under the GCG’s restructuring plan, it was left to the NFA Council, through its Administrator, to look for fund sources to implement the downsizing. This puts in limbo the separation benefits of the 1,792 NFA employees marked for downsizing,” ani Flores.

Pinangangambahan din ni Flores na walang makukuhang separation pay ang mga empleyadong ito dahil wala umanong ibinigay na pondo para rito bukod sa baon sa utang ang nasabing ahensya.

“Are they going to source the separation benefits from the palay procurement funds of the NFA, thereby taking away from our wounded farmers in order to give something to NFA employees who are in wait for their extermination?” tanong pa ni Flores.

252

Related posts

Leave a Comment