HINDI nakapalag ang isang 26-anyos na binata nang silbihan ng warrant of arrest dahil sa kaso ng pagdadala ng baril, nang matunton sa Pandacan Street, Pandacan, Manila noong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang suspek na si alyas “RJ”, jobless, ng Pandacan, Manila
Ang suspek ay top 4 most wanted person, ayon sa report ni Police Major Geuel Capuz hepe ng Station Investigation Branch (SIB).
Naaresto ang suspek ng mga awtoridad kasama ang Tracker Team, sa pangunguna ni Police Captain John Rey Ryan Mendoza, ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10.
Inaresto ito sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Renato Zaleta Enciso, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 12 ng Manila, sa kasong paglabag sa Section 28 (A) in relation to Sec. 28 (E)(1) ng R.A. 10591. (RENE CRISOSTOMO)
