JOBLESS DUMARAMI SA PAGKAWALA NG E-SABONG

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

KAHIT kakaunti na lamang ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, marami pa ring walang trabaho.
Nagpapatuloy ang krisis. Nariyan pa rin ang banta ng virus.

Ang matindi, may lumitaw pang monkeypox at langya virus.

Ngunit pinaniniwalaang malaki ang naging epekto ng pagkawala ng e-sabong o online sabong sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Kung matatandaan kasi, sa June 2022 labor force survey ng Philippine Statistics ­Authority (PSA), aba’y mahigit sa 2.9 milyong Pilipino ang naitalang jobless.

Naku, ang masaklap, ­kara­niwan sa kanila ay galing sa maliliit na mga negosyo gaya ng retail, online o direct sales.

Ayon sa samahan ng game fowl feed millers at agri-vet ­suppliers, tinatayang P19 bilyon ang pinsala sa industriya nila sa suspensyon ng e-sabong.

Sa panig naman ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the ­Philippines, Incorporated (UACOOP), ang pinagsamang bilang ng mga full-time at part-time employed sa cockpit operation ay higit 1.5 milyon.

Sinasabing sa allied farm industry naman gaya ng feed ­millers at agri-vet suppliers, nasa 265,000 ang mga ­empleyado.

Simula noong Mayo, wala nang 10% sa mga ito ang na­tirang may trabaho.

Nawalan din ng trabaho ang online betting stalls na ­maraming workers sa kasagsagan ng ­popularidad ng e-sabong.

Napag-alaman na ilan sa mga ito ay mga tauhan ni Elvira Tan.

“Yung mga tauhan ko, walo sila. Lahat tinanggal ko na kasi ano pa ibabayad ko sa kanila,” sabi Tan, may ari ng online betting stall sa Quezon Avenue, Quezon City.

“Wala, hikahos talaga sila. Kung makikita n’yo lang, halos hindi na sila kumakain. Kukurutin talaga puso n’yo. Naaawa ako kasi wala naman silang ginawang masama o nilabag na batas tapos sila ngayon nagdurusa,” dagdag pa niya.

Kaya nawa’y bumalik na ang e-sabong. Kapag nangyari ito, tiyak na mababawasan ang bilang ng mga jobless.

135

Related posts

Leave a Comment